Pares Na Magkasalungat
Pares Na Magkasalungat
Nandito at hinahanap,
Kahapon at hinaharap,
Mga salitang magkasalungat,
Mga salitang nakakasugat,
Nandito ako kapag hinahanap mo,
Pag ako ang naghahanap hindi ka matagpo,
Kahit mahirap patuloy kong tinatago ang sakit,
Dahil sa piling mo, pakiramdam ko akoy nasa langit,
Pero minsan sa sobrang sakit na nahihirapan nako,
Pagpapatuloy ko pa ba o ito ay akin na lang isusuko,
Hindi ko lang alam kung kaya na kitang kalimutan,
Baka sakaling itoy aking kayanan kung ikay aking bibitawan,
Oo o hindi ang hindi mawaring kasagutan,
Sino ang mananalo, ang puso o isipan,
Susuko na ba o patuloy ang paglaban,
Dahil sa huli, tayo ay magtatagumpay o masasaktan.
-Eyescream
Comments
Post a Comment